Umaabot sa halos 2 milyon pesos ang pinsala sa mga pananim ng bagyong Jolina sa mga Banton sa Romblon, base sa ulat ng Banton Municipal Disaster RIsk Reduction and Management Office kaninang umaga.
Matapos ang bagyo, bumungad sa mga residente sa lugar ang mga nagtumbahang mga puno ng saging, mga natanggalan ng bunga ng mga niyog, at iba pa.
May ilang naitalang nasira ring mga residential houses sa bayan at tinatayang umaabot sa P110,000 ang halaga ng pinsala rito.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, pinakaraming napinsalang mga pananim sa bayan ng Banton na siyang naging pinakamalapit sa mata ng bagyong Jolina kahapon.
Sa gitna nito, sinabi ni Christian Ramilo ng PDRRMO na wala silang naitalang nasawi o nawala sa buong panahaong naramdaman sa probinsya ang hagupit ng bagyong Jolina.
Sinabi nitong nagpapatunay lamang na na nakapaghanda ang probinsya sa bagyong Jolina.