Pormal nang inanunsyo ng tandem nina Senator Panfilo Lacson at Vicente Sotto III ang kanilang pagtakbo sa dalawang mataas na posisyon ng gobyerno sa darating na halalan sa susunod na taon upang anya maibalik ang kaayusan at tiwala ng sambayanan s agobyerno.
Silang dalawa ang unang tandem na nagdeklara ng kanilang kandidatura para sa presidential at vice presidential spot.
Sa isang recorded na palabas, sinabi ni Sotto na panahon na umano upang itama ang mali at ito na ang simula.
Samantala, sinabi naman ni Lacson na “ang tamang pamumuno ay dapat pangunahan ng leadership by example, hindi sa salita kundi sa gawa. No leader can succeed if he cannot practice what he preaches”.
Maliban sa speech ng dalawang senador, may mga kilala rin sa iba’t ibang industriya ang nagsalita at nagpatunay sa mga kakayahan ng dalawa.