Sumabak sa skills training ngayong araw ang aabot sa 20 na mga kababaihan sa barangay Mayha sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Sinanay sila sa pamamagitan ng skills training na handog ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo Sa Barangay ng Department of Trade and Industry – Romblon.
Ayon kay DTI Romblon provincial director Noel Flores, makakatulong sa dagdag na pagkakakitaan ng mga kababaihan ng nabanggit na barangay ang produkto na magagawa nila matapos ang dalawang araw na pagsasanay.
Sinabi rin nitong may iba pang pagsasanay na gagawin ang DTI sa iba ring barangay at bayan upang mas maraming matulungan ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo Sa Barangay.