Nasa 100% o full capacity na ang Covid-19 ward sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital base sa inanunsyo ng kanilang pamunuan ngayong araw.
Ayon sa official Facebook account ng ospital, ang kanilang 5 Covid rooms ay may mga pasyente na at ang dalawa sa kwarto na ito ay dalawang pasyente na ang tumutuloy.
“Maging ang 2 pribadong kwarto na nakalaan para sa mga suspect covid patients ay okupado na rin. May mga nasa “waiting list”, “referral for admission” mula sa mga Barangay Isolation units,” ayon pa sa kanila.
Dahil dito, muling nagpaalala ang pamunuan ng ospiyal na mag doble ingat at sumunod sa mga itinakdang protokol pangkalusugan upang maiwang magkasakit at mahawa ng Covid-19.
“Iwasan po muna ang pagbisita sa mga kapitbahay, kamag-anak at mga kaibigan. Iwasan din po na pumunta sa mga pagtitipon na isinasagawa sa kubkob na lugar at may kumpulan ng mga tao. Ugaliin po ang madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig, sabon o 70% isopropyl alcohol,” paalala ng ospital.
Sa huling tala ng Looc Rural Health Unit nitong September 22, ang kanilang bayan ay kasalukuyang may 43 na aktibong kaso ng Covid-19 kung saan 8 rito ang bagong mga kaso.