Pumapalo na ng 35.4% ang positivity rate ng lalawigan ng Romblon sa Covid-19, base sa ulat na inilabas noong September 11 ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU).
Sa talaan ng RESU, sa 7,813 na Romblomanon na sumalang sa testing, 2,763 sa kanila ay nagpositibo sa Covid-19.
Ibig sabihin nito, 1 sa 3 na Romblomanon na sumasalang sa Covid-19 testing ay lumalabas ang resulta na positibo.
Sinabi ng RESU na ang nakikitang pagtaas sa positivity rate sa probinsya ay dahil sa ginagawa nilang targeted testing kung saan lahat ng positibo sa Rapid Antigen Test ay vinevery pa sa RT-PCR testing.
Sa rehiyon ng Mimaropa, nakapagtala ang RESU ng 26.1% na positivity rate sa 77,005 na sumalang sa testing.
Samantala, sa huling tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ngayong September 13, ang lalawigan ay kasalukuyang merong 199 na aktibong kaso ng Covid-19.