Tapos na at magagamit na ng lokal na pamahalaan ng San Agustin ang ipinatayo sa kanilang bayan na Drug Rehabilitation Building para sa mga taong kailangan ng rehab pagdating sa paggamit ng iligal na droga.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Department of the Interior and Local Government sa pamamagitan ng 2020 Assistance to Municipalities (AM) program.
Sa ginanap na inauguration noong September 3, nagpasalamat si Mayor Denon Madrona sa DILG sa pondong naibigay nila sa munisipyo para maipatayo ang nasabing proyekto.
Ang nasabing center ay may mga kwarto at sariling gym kung saan pwedeng mag exercise ang mga dadaan sa rehab.