Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang babala ng bagyo bilang isa probinsya ng Romblon nitong gabi ng Lunes, September 6, dahil sa banta ng bagyong Jolina.
Ayon sa Pagasa, si Jolina ay lumakas pa at ngayon ay ganap ng isang Typhoon at inaasahang maglalandfall sa vicinity ng Hernani, Eastern Samar kung saan huling namataan ang mata ng bagyo.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 km/h at bugsong aabot sa 165 km/h malapit sa gitna.
Gumagalaw ang bagyo sa bilis na 20 km/h patungong West Norwestward direction.
Maliban sa Romblon, nakataas rin ang Signal #1 sa mga southern portion ng Quezion, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Marinduque sa Luzon. Signa #1 rin sa ilang bahagi ng Leyte, Southern Leyte, at sa northern portion ng Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, maging ang Dinagat Islands, Siargao Islands, at Bucas Grande Islands.
Signal #2 naman sa Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Northern Smar, ilang bahagi ng Samar, ilang bahagi ng Eastern Samar, Biliran at nortern portion ng Leyte.
Signal #3 naman sa souther portion ng Eastern Samar, at sa southern portion ng Samar.
Asahan ang malalakas na hangin at pag-uulan sa mga nabanggit na lugar gayun rin ang malalakas na alon sa dagat.