Nakumpiska sa isang operasyon noong Martes, September 28, ang ilang piraso ng ammonium nitrates na ginagamit sa ipinagbabawal na dynamite fishing sa dagat na sakop ng Barnagay Otod, San Fernando sa Sibuyan Island.
Ayon sa ulat ng Coast Guard Station Romblon, umaga ng Martes nang nakatanggap sila ng report na mayroon di umano sa lugar na pagawaan ng home made explosives para sa dynamite fishing kaya sila nakipag-ugnayan sa mga otoridad para amgkasa ng operasyon.
Sa natanggap nilang report nakukuha ang mga ammonium nitrate at mga blastic caps sa kanilang supplier mula sa Masbate at nakikipagtransak sila sa gitna ng dagat.
Nagkasa ng operasyon kinagabihan ang mga operatiba ng Coast Guard Cajidiocan at Magdiwang sa remote coatal area ng Barangay Otodo at dito nila narekober ang aabot sa 13 closed bottles ng ammonium nitrate na nakalagay sa isang sako.
Matapos madiskobre ang mga gamit na ito, agad nilang ipinatawag ang SAn Fernando Municipal Police Station upang magsagawa ng imbestigasyon at para na rin magsagawa ng safekeeping sa mga narekober na gamit.
Hindi pa natutukoy ng mga operatiba ng gobyerno ang posibleng may pasimuno sa nasabing iligal na aktibidad sa isla.