Ipinagkaloob ngayong Miyerkules ng kompanyang Nestle ang aabot sa 324,000 na halaga ng mga good sa lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Ang mga nasabing goods ay gatas, kape, milo, maggi, at chuckie na magagamit ng LGU Odiongan para sa kanilang relief packs na pwedeng ipamahagi sa publiko.
Ayon sa kompanya ng Nestle, ito ay bahagi ng kanilang programa ngayong 110th anniversary kung saan 110 na lokal na pamahalaan buong bansa ang kanilang bibigyan ng mga goods.
Makakasiguro rin umano ang mga LGU na nabigyan na ang mga nasabing goods ay sa susunod na taon pa ang expiry date para siguradong maipapamigay sa publiko bago pa man ito masira.
Masaya namang tinanggap ng mga lider ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang mga nasabing goods na hinatid sa kanila sa pamamagitan ng Power Foods and Commodities Trading Corp.