Binisita ng hepe ng Philippine National Police ngayong National Heroes Day ang mga kabaro nitong Pulis sa lalawigan ng Romblon.
Paglapag ni PNP Chief Guillermo Eleazar ay agad itong dumiretso sa Romblon Municipal Police Station upang matingnan ang sitwasyon ng estasyon kung nasusunod ipinatutupad ng kapulisan na Intensified Cleanliness Policy (ICP).
Matapos ng maikling pagbisita sa estasyon ng PNP sa Romblon, dumiretso ang PNP Chief sa Romblon Police Provincial Office kung saan nagkaroon ng oath-taking ng mga Advocacy Support Groups at Force Multipliers, Signing of Pledge of Commitment, at namahagi ng mga food packs na bahagi ng programa ng PNP na ‘BARANGAYanihan Help and Food Bank’.
Bago umalis ng Romblon, Romblon patungong Romblon Airport ay dumaan ang PNP Chief sa obispo ng Diocese of Romblon na si H.E. Bishop Narciso V. Abellana para magbigay galang at humingi ng dasal.