Nagsimula na noong nakaraang Biyernes sa bayan ng Odiongan ang pagbabakuna sa mga kasali sa A4 Priority group ng pamahalaan pagdating sa bakunahan laban sa Covid-19.
Ang pagsisimula sa pagbabakuna sa A4 priority group ay kasabay ng pagdating sa Romblon ng karagdagang 2,000 doses ng Johnson & Johnson vaccine mula sa Department of Health.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Odiongan, aabot sa mahigit 700 katao ang nabakunahan nila noong Biyernes, pinakaraming bilang ng nabakunahan sa isang araw sa bayan mula nang magsimula ang bakunahan.
Ilan sa mga nabigyan ng bakuna ay mga empleyado ng munisipyo, empleyado ng mga national gov’t agencies, at mga food delivery riders.
Nagsagawa rin sila ng mobile vaccination para naman sa mga driver at pahinante ng mga trucking services na bumabaiyahe ng ibang probinsya.