172 piraso ng Family Food Packs para sa Food and Non-Food augmentation sa munisipyo ng Odiongan, Romblon ang ipinamahagi ngayong Miyerkules, August 4, sa mga estudyanteng namamalagi sa Romblon State University Main Campus.
Ang mga nasabing mag-aaral ay mula sa iba’t ibang munisipyo na mas piniling manatili sa Odiongan, Romblon para makagamit ng maayos na internet connection at iba pang personal na rason na may kinalaman sa kanilang kaligtasan at kalusugan.
Ang kahilingan para sa augmentation ay mula sa Student Supreme Council ng Romblon State University at ng Munisipyo ng Odiongan na agaran namang tinugunan ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng DSWD MIMAROPA upang makatulong sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral ngayong humaharap ang bawat isa sa pandemya.