Dumating ngayong Martes, August 3, ang karagdagang 6240 dose ng Sinovac Covid-19 vaccines sa probinsya ng Romblon mula sa DOH-Center for Health Development Mimaropa.
Ayon sa Romblon Provincial DOH Office, diniretso sa cold chain facility ng Romblon Provincial Hospital ang mga bakuna laban sa Covid-19 at inaasahang ipapamahagi sa mga lokal na pamahalaan sa mga susunod na araw para sa pagpapatuloy ng bakunahan sa probinsya.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 53,890 doses na ang kabuoang bilang ng mga bakuna ng Johnson & Johnson, Sinovac at Astrazenica ang dumating sa probinsya ng Romblon.
Samantala, aabot na sa 20,635 katao ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna laban sa Covid-19.
Sa talaan ng provincial epidemiology and surveillance unit, 6,134 rito ay pasok sa A1 category group habang 9,290 naman ang pasok sa A2 category grup.
May 5,047 naman ang pasok sa A3 category group at 164 ang kasama sa A4 priority group.
Sa bilang na ito, 16,795 na ang nakatanggap na ng kanilang second dose o maituturing nang fully vaccinated individuals.