Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ng Moderna vaccine ang lalawigan ng Romblon mula sa Department of Health (DOH).
Ang Moderna ay isang american pharmaceutical at biotechnology company na nakabase sa Cambridge, Massachusetts.
Ayon sa Provincial DOH Office – Romblon, may aabot sa 5,000 dose ng mga bakunang gawa ng Moderna na panalaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang dumating ngayong Martes sa lalawigan, August 24.
Ang mga nasabing dose ay para sa first at second shot na ng 2,500 katao sa lalawigan na pasok sa A1 hanggang A4 na kategorya.
Batay sa talaan ng PDOHO, ang moderna ay pang-apat na sa mga brand ng mga Covid-19 vaccines na dumating sa lalawigan kabilang na ang Sinovac, AstraZeneca, at Johnson & Johnson vaccines.