32 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Cajidiocan, Romblon ang nakapagtapos na kamakailan sa programa matapos sila ay mapabilang na sa ikatlong lebel na o maayos na ang pamumuhay kaya hindi na kailangan pa ng suporta mula sa programa o wala nang batang edad 0-18 na miyembro ng sambahayan ang maaaring i-monitor o irehistro sa ilalim ng programa.
Sa nasabing programa ay binigyan rin ng pagkilala ang 32 benepisyaryo dahil sa kanilang pagsusumikap na makatawid sa kaunlaran.
Sila ay na-endorso na sa lokal na pamahalaan ng Cajidiocan para ang LGU na ang magpapatulay sa pagbibigay ng mga ayuda at gabay sa mga nakapagtapos sa programa ng DSWD.
Dumalo naman sa nasabing aktibidad sina Sangguiang Bayan Member Atty. Marvin Greggy Ramos at bagong Municipal Social Welfare Development Officer Anna Marie Amul na siyang tumanggap sa mga case folders o profiles ng mga exiting na benepisyaryo.
Nagpapasalamat naman ang Pantawid Romblon Provincial Operations Office at Cajidiocan Municipal Operations Office sa DSWD Sustainable Livelihood Program Team at LGU Links na tumulong upang makapagdaos ng simpleng programa sa mga benepisyaryo.