Naharang ng mga operatiba ng gobyerno ang isang padalagn bagahi na may lamang pinaghihinalaang shabu sa bayan ng San Fernando, Romblon noong Lunes, July 12.
Bandang alas-8:30 ng umaga nang isagawa ang operasyon ng pinagsamang pwersa ng PDAE Romblon, San Fernando at Magdiwang Municipal Police Stations, Romblon Drug Enforcement Unit ng Romblon PPO, Coast Guard, at ng Romblon Provincial Mobile Force Company.
Matapos matukoy ang nasabing parcel, pinaamoy ito Narcotic Detection Dog at dito nga natukoy na may laman itong droga.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang parcel ay nakapangalan sa isang dating OFW na residente ng Barangay España ng parehong bayan.
Nakuha ng mga otoridad sa loob ng bagahi ang may aabot sa 3 gramo ng shabu o may street value ng aabot sa P20,000.
Hawak na ng operatiba ng San Fernando Municipal Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.