Umabot na sa 308,985 mula sa 292,781 ang populasyon sa probinsya ng Romblon base sa 2020 Census of Population and Housing (2020 CPH) na inilabas kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Nakikita ang pagtaas ng populasyon sa probinsya ng 5.53% sa loob lamang ng limang taon.
Pinakamaraming tao sa bayan ng Odiongan na may 49,284 na populasyon at sinundan naman ng Romblon, Romblon na may 40,554 na populasyon.
Pinakakakaunti namang tao ang bayan ng Concepcion sa Sibale Island na may 3,561 lamang na populasyon base sa 2020 CPH.
Most populated barangay naman ang Barangay Taclobo sa bayan ng San Fernando na may 5,467 na populasyon.
Samantala, sa buong bansa, umabot na ang total population nito sa 109,035,343.
Ang mga numerong ito ay pormal ng inanunsyo ng PSA matapos ideklarang opisyal ni President Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 1179 .
Kasama na sa mga datus na ito ang mga Pilipino na nasa Philippine embassies, consulates, at missions abroad.