Wagi sa kompetisyon ang mga entry ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Odiongan sa ginanap na KKDAT Sining Bayanihan 2021 Grand Finals Regional Competition kamakailan sa Calapan City.
Kabilang sa mga nanalo at ilalaban sa national level ang short film na ‘Tulak’ na ipinapakita ang hinagpis ng isang ina na nawalan ng anak dahil sa pagkakasangkot sa iligal na bentahan ng droga.
Itinanghal rin na grand winner ang interpretative dance na “Gising’ ng ‘The V Factor Dance Squad’ at 2nd runner-up naman ang ‘Fix You’ ng ‘Nice One New Generation’.
First runner-up naman sa Performing Arts Category ang ‘Walang Hahadlang’ ng bandang ‘Seconds After Sunset’.
Ang programa ay ginanap sa Hinirang Hall sa Camp Gen. Efigenio C Navarro, Calapan City kahapon na dinaluhan naman ni PBgen. Nelson Bondoc at iba pang matataas na opisyal ng PNP Mimaropa.