Aabot na sa 17,695 katao sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 batay sa ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ngayong Martes, July 6.
Ang mga ito ay nagmula sa mga kategorya ng mga A1 o medical front liners, A2 o mga senior citizens, at A3 o mga taong may comorbidities.
Sa talaan, aabot na sa 5,270 na mga A1 ang nabakunahan sa probinsya habang 8,593 naman sa mga A2 at 3,831 naman ang mga A3.
Sa bilang na ito, 7,283 na ang nakatanggap ng kanilang ikalawang dose ng bakuna.
Ayon sa PESU, Sinovac at Astrazenica Covid-19 vaccines ang dumating na mga gamot sa probinsya mula sa DOH Center for Health Development Mimaropa.
Inaasahang may mga bagong batch ng mga vials ang dadating sa probinsya sa Huwebes, July 08.