Nagdulot ng brownout sa iba’t ibang bahagi ng Romblon ang masamang panahon na nararanasan ng probinsya dulot ng Hanging Habagat na pinapalakas ng bagyong Fabian.
Sa Tablas Island, ilang poste ng kuryente at puno ng kahoy ang nabuwal dahil sa landslide at malalakas na hangin.
Nagsasagawa na ng clearing operations ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways at ang Tablas Island Electric Cooperative upang agad na maibalik ang kuryente sa isla.
Samantala, Suspendido ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno at pasok sa mga paaralan sa bayan ng San Fernando ngayong Biyernes dahil parin sa nararanasanang panahon.
Patuloy namang nakaantabay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.
Sa ngayon, wala naman umanong naitatalang nasugatan o nasawi sa probinsya dahil sa masamang panahong dala ng Hanging Habagat at bagyong Fabian.