Isinailalim sa granular lockdown ng lokal na pamahalaan ng Ferrol ang Barangay Claro M. Recto matapos may isang residente sa lugar ang nasawi dahil sa Covid-19.
Ang nasabing kautusan ay inilabas noong July 12 at inaasahang magtatagal hanggang July 25 o mas matagal pa.
Sa ilalim ng ipatutupad na granular lockdown inutusan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng establisyemento rito kabilang na ang tindahan na magsara muna.
Ang paghahatid ng mga essential services sa lugar na isasailalim sa granular lockdown ay tanging gagawin ng mga barangay officials at mga frontliners.
Inatasan rin ang mga opisyal ng barangay at ang Ferrol Municipal Police Station na maglatag ng mga checkpoints sa entry/exit points ng luar.
Sa kabila ng ipatutupad ng granular lockdown, nangako ang lokal na pamahalaan na mamimigay sila ng relief goods sa mga apektadong pamilya.
Batay sa pinakahuling talaan ng Ferrol Rural Health Unit, aabot sa 7 ang aktibong kaso ng bayan at 6 rito ay nasa naka-granular lockdown na barangay.