Dumating ngayong Biyernes, July 9, ang aabot sa 6720 na vials ng Sinovac Covid-19 vaccines mula sa DOH-Centers for Health Development Mimaropa.
Ayon kay Ralph Falculan, Development Officer ng DOH-Mimaropa, ang mga vials na dumating ay para sa second dose ng mga nabakunahan na ng Covid-19 vaccine sa lalawigan mula noong June 19.
Diniretso ito sa cold-chain facility sa Romblon Provincial Hospital at inaasahang ibabiyahe na patungo sa mga munisipyo sa susunod na mga araw.
Sa huling tala ng Provincial Health Office, aabot na sa 33,590 doses na ang kabuoang bilang ng mga bakuna ng Sinovac at Astrazenica ang dumating sa probinsya ng Romblon.
Related Story: Mahigit 17,500 katao sa Romblon, nabakunahan na ng 1st dose ng Covid-19 vaccine
Ang mga health workers, senior citizen at mga may comorbidities ang ilan sa mga nabakunahan na ng panlaban sa Covid-19. Sila ang mga kasama sa A1, A2 at A3 categories ng pamahalaan.