Aabot sa 17 na Persons with Disability o PWD sa bayan ng Odiongan ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon.
Nagkakahalaga ng P15,000 ang natanggap ng bawat isa na bigay sa kanila bilang tulong ay para sa kanilang negosyo o proyektong napili at napagkasunduan.
Ang nasabing awarding ceremony na ginanap sa Senior Citizen Building ay pinangunahan nina Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Odiongan at DSWD Field Office Romblon.
Maliban sa natanggap na pera, ang mga benepisyaryo rin ng livelihood assistance ng DSWD ay bibigyan rin ng libreng training at seminar na ipagkakaloob sa kanila ng Persons with Disability Affairs Office at ng iba pang ahensya ng gobyerno upang mas matulungan silang mapalago ang naibigay na pondo.