Ginunita ng mga kabataan sa bayan ng Corcuera, Romblon ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng bansa noong Sabado sa pamamagitan ng pagtulong sa inang kalikasan.
Naglunsad ang Samahan ng ONE ROMBLON Iskolar ng Corcuera o SORIC ng isang tree planting activity sa piling lugar sa Barangay Colong-Colong sa bayan ng Corcuera sa Simara Island.
Ayon kay SK Federation President Alden Dy Fajilan, ito umano ay makabagong paggunita nila sa araw ng kalayaan. Nais umano ng mga kabataan ng makapag-ambag upang mabawasan ang mabilis na pagkasira ng inang kalikasan.
Ang SORIC ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon upang makapagbigay ng pinansyal na suporta sa mga mag-aaral at imulat sila sa positibong naiidudulot ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing makakatulong sa pag-unlad ng bayan.