Nakiisa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa lalawigan ng Romblon sa ginanap na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2021 kahapon, May 10.
Alas-2 ng hapon na sabay-sabay na lumabas ng kani-kanilang mga opisina ang mga kawani ng gobyerno bilang pakikiisa sa sabayang earthquake drill sa bansa.
Sa Romblon State University, nagsimula ang drill sa tunog ng isang megaphone na hudyat ng isang malakas na lindol. Matapos mag dock-cover-hold ay dahan-dahan silang lumabas ng opisina at tumungo sa bakanteng lugar.
Agad namang pumasok ang mga medical frontliners at uniformed personel upang magsagawa ng rescue operation sa mga tila na trap sa RSU para sila ay iligtas.
Maliban sa mga ahensya ng gobyerno, ang lahat ng lokal na pamahalaan sa probinsya ay nakiisa rin sa nasabing drill.
Nilalayon ng earthquake drills na sanayin ang mga empleyado ng bayan sa mga wastong pagkilos gaya ng “dock, cover and hold” para iwas-pinsala.