Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nag-landfall ang mata ng bagyong Dante sa bayan ng Romblon kaninang alas-8 ng umaga at sa San Agustin, Romblon kaninang 8:50 ng umaga.
Ayon sa Pagasa, kaninang alas-10 ng umaga ay nasa northwestern coastal waters na ng Romblon, Romblon ang mata ng bagyo at patungo na ng Batangas sa bilis na 25km/h.
Taglay parin ng bagyo ang 65 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 km/h.
Sa ngayon, nakataas parin ang tropical cyclone wind signal #2 sa Romblon, Marinduque, northern at central portion ng Oriental Mindororo at Occidental Mindoro, Batangas, Cavite, southwestern portion ng Bulacan, western portion ng Pampanga, Zambales, western portion ng Tarlac, at western portion ng Pangasina.
Signal #1 naman ang nakataas sa northern portion ng Palawan, natitirang bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro, western portion ngg Quezon, western at central portion ng Laguna, Metro Manila, Rizal, Bulacan, natitirang bahagi ng Pampanga at Tarlac, western poprtion ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Pangasinan, at southern portion ng Bengue, at ang La Union.
Nakataas rin ang signal #1 sa ilang lugar sa Visayas kagaya ng Aklan, Capiz, northern portion ang Antique, at northwestern portion ng Iloilo.