Maikli ngunit produktibo ang pagbisita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa main office ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa Romblon noong Hunyo 18, 2021 kung saan ipinahayag niya ang buong suporta sa adbokasiya ng mga electric cooperatives (ECs) na makamit ang komprehensibong rural electrification sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa isang pagpupulong kasama sina Congressman Budoy Madrona, Governor Jose Riano, TIELCO OIC-General Manager Dennis Alag, at mga pangunahing lokal na opisyal, ang Kalihim ng Gabinete ay nabigyan ng update sa kasalukuyang estado ng EC sa lugar at mga special concerns na kinakaharap nito.
“Naniniwala ako at sinusuportahan ang misyon ng ating mga electric coops sapagkat nagsasagawa sila ng essential public service na naghahatid ng kuryente at elektrisidad sa ating mga lugar sa kanayunan. Ang mga EC ay tagapagpatakbo ng economic and social activity sa mga lokalidad na kanilang pinaglilingkuran,” pahayag ng opisyal ng Malacañang.
Ang dating mambabatas ng Davao at House Committee on Appropriations chair ay idinagdag na sa panahon ng kanyang pagiging kongresista, suportado niya ang mga EC sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pondo para sa rural electrification program ng pamahalaan.
“ECs need budgetary and institutional assistance from government because they are key partners in achieving national and regional development.”
“Ang mga EC ay nangangailangan ng budgetary and institutional assistance mula sa gobyerno sapagkat sila ang pangunahing katuwang sa pagkamit ng national and regional development.”
Si Nograles, na namumuno sa Task Force Zero Hunger ng administrasyon, ay gumugol din ng oras sa Romblon kasama ang kinatawan ng Rise Against Hunger, isang NGO partner ng Pilipinas Kontra Gutom, para sa pamamahagi ng relief goods sa anim na munisipalidad na naapektuhan ng Bagyong Dante, at pagkatapos ay pinangunahan niya ang pag-turnover ng face masks sa mga electric coop members at frontliners ng Barangay Power Association (BAPA) sa Tablas island.