Buong lalawigan na ng Romblon ang isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa tropical cyclone wind signal #1 dahil sa bagyong Dante.
Ito ang inilabas ng Pagasa sa kanilang 11AM Weather Bulletin ngayong Martes, June 1.
Ang bagyong Dante ay huling namataan sa layong 235km East ng Maasin CIty, Southern Leyte at tinatahak ang westward direction sa bilis na 25km/h.
Taglay nito ang lakas na 75 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90km/h.
Maliban sa Romblon, nakataas rin ang signal #1 sa mga probinsya ng Quezon kasama ang Polilio Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduqe, Aklan, Capiz, northern and centrol portion ng Iloilo, northern portion ng Negros Occidental, Bohol, northern at centrol portion ng Cebu kasama ang Bantaayn at Camotes islands, ilang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, northeastern portion ng Misamis Oriental at ang Camiguin.
Posibleng maranasan ng mga nabanggit na lugar ang malalakas na hangin sa loob ng 36 oras.
Signal #2 naman sa mga probinsya ng Masbate kasama ang Ticao at Burias Island, Albay, Sorsogon, Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.
Asahan ang mapaminsalang malalakas na hangin sa loob ng 24 oras.