Tinanggal na ng Pagasa o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang tropical cyclone wind signal sa halos buong lalawigan ng Romblon matapos tuluyan ng lumayo sa probinsya ang bagyong Dante.
Ayon sa Pagasa, ang mga bayan nalang ng Banton at Concepcion ang signal #1 habang wala ng storm signal ang iba pang bayan sa probinsya.
Huling nakita ang sentro ng bagyo sa Verde Island Passage malapit sa Calapan City, Oriental Mindoro taglay parin ang lakas na 65 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 km/h.
Tinatahak nito ang direksyon na northwestward sa bilis na 20 km/h.
Sa weather bulletin ng Pagasa ngayong alas-8 ng gabi, ang mga probinsya na nasa signal #2 ay ang mga sumusunod: northern portion ng Oriental Mindoro, northern portion ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang islands, Batangas, Cavite, Bataan, southwestern portion ng Bulacan, western portion ng Pampanga, Zambales, western portion ng Tarlac, at western portion ng Pangasinan.
Signal #1 naman ang umiiral sa mga probinsyan ito kasama na ang Banton at Concepcion sa Romblon: Marinduque, natitirang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro, western portion ng Quezon, Laguna, Metro Manila, Rizal, Bulacan, natitirang bahagi ng Pampanga at Tarlac, western portion ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Pangasinan, southern portion ng Benguet, at ang La Union.