Diniretso sa police station ang apat na sakay ng isang bangka na magsisilong sana sa Sibale Island, Romblon matapos lumitaw na posibleng sangkot ang apat sa teroristang grupong NPA.
Kahapon ay dumaong na sa isang barangay ang grupo at lumipat lamang malapit sa Poblacion noong lumakas ang ulan at alon. Dito na sila pinuntahan ng mga pulis para dalhin sa Rural Health Unit at mabigyan ng tulong.
Sa pagpapakilala ng apat sa otoridad, sila umano ay mga residente ng Marinduque at sisilong sana sa isla dahil sa malalakas na along naranasan dala ng bagyong Dante.
Ngunit sa pag-iimbestiga ng otoridad kaninang madaling araw, nakuha sa mga ito ang iba’t ibang model ng cellphone, mga ID, gamot, at logo o patch ng Bagong Hukbong Bayan at ng New People’s Army.
Ang paghahalughog sa mga gamit ng apat ay sinaksihan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga opisyal ng Barangay Poblacion.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya.