Bilang pakikiisa sa World Blood Donor Day, isang blood letting activity ang isinagawa sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong araw.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makahiyat sa publiko na mag-donate ng dugo upang magamit sa emergency o sa sinumang nangangailangan ng dugo.
Isinagawa ang nasabing aktibidad ng Philippine Red Cross Romblon chapter sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Romblon. Mismong si Mayor Gard Montojo ay nagbigay ng kanyang dogo sa aktibidad.
May tema ang pagdiriwang ng World Blood Donor Day ngayong taon na ‘Give Blood & Keep the World Beating’.
Ayon sa PRC Romblon, aabot sa 91 unit ng bag ang kanilang nakolekto, ang pinakamaraming nakolekta ng Red Cross sa buong probinsya sa isang araw na aktibidad.