May aabot sa 24,109 na mga bahay sa Tablas Island sa Romblon ang kasalukuyang walang supply ng kuryente dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Dante sa isla.
Sa ulat ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) nitong alas-3 ng Miyerkules, ang bayan lamang ng San Andres ang lugar na may supply ng kuryente ang lahat ng bahay.
88.35% naman ng mga bahay sa Odiongan ang may supply na ng kuryente habang 89.45% sa bayan ng Santa Maria.
May aabot naman sa 57.76% na mga bahay sa Calatrava ang may ilaw na at gayun rin ang may mahigit 4% na mga bahay sa Alcantara at San Agustin.
Samantala, total blockout naman sa mga bayan ng Sta. Fe, Ferrol, at Looc dahil sa mga linya ng kuryenteng natumbahan ng puno at mga humilig na mga poste ng kuryente.
Ayon sa pamunuan ng TIELCO, nagpapatuloy ang kanilang ginagawang clearing operation at restoration sa mga lugar na wala pang ilaw.