Simula mamayang alas-12 ng hating gabi ay pansamantalang magpapatupad ng travel ban ang lokal na pamahalaan ng San Jose para sa mga outbound travellers mula sa bayan upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 matapos maitala sa lugar ang panibagong kaso ng virus ngayong araw.
Tanging ang mga cargoes na may essential goods, medical emergencies, at mga travelling APORs lamang ang papayagan lumabas. Magtatagal ang travel ban hanggang hanggang June 6.
Sa Executive order na ipinalabas ni Mayor Ronnie Samson, nasasaad rin na pansamantalang magiging limitado ang galaw ng mga tao sa Sitio Lindero sa Brgy. Lanas kung saan naitala ang bagong kaso ng bayan. Tanging mga essential goods at services o medical emergencies lamang ang papayagan sa loob ng 48 oras simula mamaya.
Ang bagong kaso ng tinamaan ng Covid-19 sa bayan ay ikalawa palamang mula ng maitala ang unang kaso noong nakaraang taon.
Naka-isolatae na rin ito ngayon at ang mga natukoy na close-contacts ay nakatakda nang isalang sa RT-PCR testing sa susunod na araw.
Pinayuhan rin ang publiko na patuloy na magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.