Sinuri nitong nakalipas na mga araw ng mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang iba’t ibang establisyemento sa bayan ng Banton sa Romblon upang masigurong naipatutupad ng maayos ang minimum health standard sa kanila.
Ang mga nabisitang establisyemento na naging compliance ay binigyan ng Certification na nagpapatunay na na-inspeksyon sila ng DILG.
Ang ginagawang ito ay bahagi ng Safety Seal Certification program ng ahensya para ma-ecourage ang mga establisyemento na gamitin ang StaySafe.ph digital contact tracing application.
Sa paraang ito, madagdagan ang kumpiyansa sa mga kliyente at kostumer na ang mga establisyemento ay ligtas sa COVID sapagkat mahigpit nilang ipinatutupad ang mga pamamaraang nagpapagaan laban sa virus.
Inaanyayahan ng DILG ang publiko na i-download at gamitin ang StaySafe.ph application.