Binuksan ngayong Lunes ang isang Community Plantry sa bayan ng Odiongan na matatagpuan sa opisina ng Municipal Agriculture.
Ang nasabing Community Plantry ay inspired ng ‘Maginhawa Community Pantry” kung saan ang publiko ang libreng makakauha ng mga binhi, mga lupang tatamnan at mga fertilizers.
Dinaluhan ang pormal na pagbubukas ng plantry sa pangunguna ni punong bayan ng Odiongan, Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama sina Vice Mayor Diven Dimaala at kanyang mga sangunian bayan na sina SB Gecelle Fainsan, SB Alex Formento, SB Dok Forca, SB Kit Firmalo at ABC Juvy Faderogaya.
Layunin ng programang ito ng Municipal Agriculture Office na mahikayat ang mga residente ng Odiongan na magtanim sa kanilang bakuran ngayong may pandemya upang may madali silang pagkukunan ng mga pagkain.
Ilan lamang sa mga binhi na libreng makukuha dito ay mga binhi ng talong, kalabasa, patola, okra at ang paborito ng lahat na, sili.
Bukas ang Community Plantry mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Paalala lamang sa mga bibisita sa Community Plantry na panatilihin ang pag obserba sa minimum public health standards upang makaiwas sa pagkalat ng Covid-19.