Ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Banton sa Romblon lalo na ang mga may kinalaman sa proseso ng pagpaparehistro ng negosyo ay nagsagawa ng pagsasanay nitong Lunes, May 17, para sa isasagawang pilot testing ng eBPLS o Electronic Business Permits and Licensing System sa kanilang bayan.
Amg eBPLS ay isang software na ginawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI), kung saan ang mga customer ay maari nang magpa rehistro ng kanilang business permits online.
Ayon kay Mayor Merly Faderanga ng bayan ng Banton, malaking bagay ang pagpapatupad ng eBPLS lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.
Para na rin umano hindi pumunta ang mga maraming mga business owners sa munispyo para lang magpa rehistro ng permits.
Ang makabagong teknolohiya na ito ay pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang processing time at requirements sa mga government transactions.
Sinabi ng DICT Romblon na maliban sa LGU Banton, ang mga LGU rin ng Calatrava, San Fernado, San Andres at Concepcion ay nakaplano ring magpatupad ng Electronic Business Permits and Licensing System sa kanilang bayan.