May aabot sa 339 na mga magsasaka sa bayan ng Odiongan sa Romblon ang nakatanggap kamakailan ng mga fertilizer vouchers mula sa Kagawaran ng Agrikultura bilang tulong sa kanilang pagsasaka.
Ang mga fertilizer vouchers na ito ay nagkakahalaga ng mula P1,000 hanggang P4,000 depende pa ito sa lawak ng lupa nilang sinasaka.
Ayon sa DA Regional Field Office Mimaropa, ang mga naibigay na vouchers ay bahagi ng Rice Resiliency Poject II ng ahensya.
Ang kailangan lang gawin ng mga magsasaka ay dalhin ang mga vouchers na ito sa pinakamalapit na accredited fertilizer merchants para gamitin ito upang maka-claim ng UREA o COMPLETE fertilizer.
Naging kaisa ng DA Regional Field Office Mimaropa ang Municipal Agriculture Office ng Odiongan at ang Development Bank of the Philippines sa pamamahagi ng mga nabanggit na vouchers.