Aabot sa 3,000 mga estudyante sa probinsya ng Romblon ang makakatanggap ng libreng pares ng sapatos sa mga susunod na araw.
Ang mga nasabing sapatos ay inaabot sa DepEd Romblon ni Mrs. Anabelle Chua Riano, maybahay ni Gov. Jose Riano, para sa programang Community Pantry Project ng Schools Division Office Romblon.
Ayon sa DepEd Romblon, ang 3,000 mga sapatos ay pantay na hinati para sa 17 bayan sa probinsya.
Inaasahang maipadala ang mga sapatos na ito sa mga distrito bago matapos ang buwan ng Mayo.
Sa Facebook post ng DepEd Tayo Romblon, lubos umano ang kanilang pasasalamat sa pamilya Riano sa kanilang ipinaabot na tulong para sa mga mga mag-aaral ng probinsya.
Patuloy paring tumatanggap ng mga donasyon ang Community Pantry Project ng Schools Division Office Romblon pantulong sa mga kababayan na lubos na apektado ng kasalukuyang pandemya.