Kahit limitado ang kilos natin mga tropapips dahil sa community quarantine, kailangan pa rin pala nating maghanap ng paraan para pagpawisan at nang makalaban ang ating katawan kapag tinamaan ng COVID-19.
Batay kasi sa pag-aaral ng British Journal of Sports Medicine, lumilitaw na ang mga tinatamaan daw ng matinding sintomas ng COVID-19 ay ang mga taong walang physical inactivity o hindi nag-eehersisyo.
Bukod sa matindi ang dadanasing sintomas ng COVID-19, mas mataas din daw ang tiyansang matalo sa laban sa virus at mamatay ang mga hindi nagpapawis.
Sabagay, kahit naman noon pa na walang COVID pandemic, madalas na payo ng mga duktor sa kanilang pasyente na mataas ang kolesterol, high blood, overweigh at iba pa, na magpapawis at mag-diet.
Depende sa bigat at kakayanan ng katawan, karaniwang payo ng ilang eksperto na magpapawis kahit hanggang 15 to 30 minutes sa isang araw, o tatlo beses sa isang linggo. Kahit nga lang daw maglakad na may kasamang kaunting jogging o sumabay sa mga video exercise sa Youtube na low impact kung tawagin eh puwede na.
Base sa naturang pag-aaral, inirerekomenda raw ng US Physical Activity Guidelines na dapat may mahigit 150 minutes na physical activity ang isang adult sa loob ng isang linggo. Aba’y papatak yan mga tropapips ng 30 minutes na galaw-galaw sa loob ng limang araw.
May mga exercise sa Youtube na mapapanood na low impact na hindi masakit sa tuhod at hindi na rin kailangang tumihaya, dumapa o kung ano pa. Pero ang resulta, pagpapawisan ka na maganda sa katawan.
Sabi ng mga eksperto, kapag nag-ehersisyo ang tao eh gumagawa ang katawan natin ng kemikal na tinatawag na “endorphins,” na nagsesenyas sa utak ng positibong pakiramdam kaya feeling happy. Pero mas happy malamang ang lalaking magpapawis kung may makikitang chicks sa gym.
Pero dahil sarado pa ang mga gym, kaniya-kaniya munang paraan sa bahay. Babala sa naturang pag-aaral ng British Journal of Sports Medicine, ang mga pasyenteng hindi aktibo sa nakalipas na dalawang taon bago magkaroon ng COVID pandemic, mas mataas ang posibilidad na magdusa sa sintomas ng virus dahil puwedeng tamaan ng severe o critical case.
Mabuti sana kung bukas ang mga massage parlor na puwedeng mag-steam bath para pagpawisan. At pagkatapos eh magpapahilot para maging maayos na dumaloy ang dugo sa ugat. Ang iba, may pa-happy ending pa para magpalabas ng “endorphins.”
Hindi na siguro nakapagtataka kung bakit maging peligroso sa COVID ang mga walang exercise sa nakaraang dalawang taon. Posibleng may iba na silang karamdaman na peligroso rin o high risk sa COVID tulad ng sakit sa puso, deabetic, obese at iba pa. At madali rin silang tamaan ng depression at anxiety.
Pero lumalabas nga sa pag-aaral mga tropapips na may mga pasyente na na-ICU o Intensive Care Unit na wala namang underlying illnesses pero lumitaw na inactive o walang physical activities.
Sa ngayon mga tropapips na bakuna lang talaga ang inaasahang magpapatigil sa pagkalat ng made in China virus, aba’y dapat maghanap na tayo ng oras na puwedeng isingit sa schedule para makagalaw-galaw dahil mukhang matagal pa ang laban lalo’t atrasado ang dating ng mga ipinapangutang na bakuna.
Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)