Mag-iisang taon na pero wala paring nakakamit na hustisya ang pamilya ni Sangguniang Panlalawigan member Robert Maulion na pinaslang noong June 2020.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Atty. Rynbert Anthony Maulion, sinabi nito tila iniwan na ng otoridad ang imbestigasyon sa kaso ng ama.
“Bumuo ng task force ang probinsya ng Romblon, pero wala paring development. Walang progress report, hindi namin alam kung bakit. Hindi sila nakikipag coordinate kahit nag-iinquire kami. Even the NBI, laging nagbibigay ng date kung kailan yung result noong mga hinihintay namin sa crime lab pero until now walang report galing sa NBI,” pahayag ni Maulion.
Aniya, gustong gusto na niya at ng kanyang pamilya na makamit ang hustisya para sa kanilang ama.
Maalalang personal na naghain ng kaso si Atty. Maulion noong nakaraang taon laban sa ilang personalidad base umano sa lead na binigay sa kanya ng pulisya at ng NBI.
“Sana tulungan nila kami kasi itong development naman na hinihingi namin hindi lang naman ito para sa amin, para sa buong probinsya ito,” hiling ni Maulion.
Si Atty. Maulion ang pumalit sa iniwang pwesto ng kanyang ama sa Sangguniang Panlalawigan.
Panoorin ang panayam ng Radyo Inquirer kay Atty. Rynbert Maulion sa video na ito: