Binigyang pagpupugay ang mga frontliners na lumalaban sa pandemya ng Covid-19 sa likhang mga posters ng mga kabataan sa Corcuera, Romblon kamakailan.
Sila kasi ang naging tema sa ginawang pakontest ngayong taon ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng munisipyo at ng Corcuera Municipal Police Station na linahukan naman ng mga kabataan.
Ang tema ng pakontest ngayong taon ay KKDAT: Kaagapay sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan sa Panahon ng Pandemya.
Ayon kay Alden Dy Fajilan, SK Federation President ng Corcuera, aabot sa sampu na mga kabataan ang nakilahok sa aktibidad na nagmula sa ibat ibang Barangay.
Dumalo rin rito si Corcuera Mayor Elmer Fruelda upang magbigay ng suporta sa mga kabataan.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga kabataan sa pagiging aktibo nito lalo pa sa information dissemination ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa.