Dumating sa Looc, Romblon kahapon, April 28, ang mga ayudang hiniling ni SP member Bing Solis sa opisina ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles para sa bayan.
Ito ay ibibigay sa mga frontliners ng munisipyo na patuloy na lumalaban para mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
Ayon kay SP Solis, ang mga frontliners mula sa Rural Health Unit, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Hospital, mga frontliners ng 12 na Barangay ng bayan, mga bantay sa Quarantine Facilities, at mga mula sa LGU, ang mabibigyan ng ayuda.
Kasama rin mabibigyan ang mga nagtayo ng community pantries sa bayan.
Sinabi rin ni Solis na ibabahagi niya rin ang tulong sa 25 barangay ng bayan ng Odiongan maging sa mga frontliners mula sa kalapit nilang bayan na Ferrol, Alcantara at Santa Fe.
Samantala, nagpasalamat naman si SP Solis sa CabSec Nograles sa agaran nitong pagtugon sa kahilingan niya para sa bayan ng Looc.
“Maraming salamat po CabSec Nograles sa pagtugon sa aking request upang matulungan ang mga kababayan dito sa Romblon particularly sa Tablas Island na lubhang naapektuhan ng pandemya, at inyong madaliang pagasikaso na maipdla ang mga goods sa amin,” pasasalamat ni Bokal Solis.