Nagsimula na kahapon ang roll-out ng mga bakuna ng AstraZenica sa Provincial Hospital ng lalawigan ng Romblon.
Ayon sa pamunuan ng RPH, kahapon ay natapos ang pagbabakuna ng Sinovac vaccines at kasabay nito ay ang pagsisimula naman ng pagbabakuna ng Astrazeneca sa mga staff ng ospital at iba pang health workers.
Inaasahang mula March 16 hanggang March 26 ang pagbabakuna ng mga AstraZenica sa mga health workers sa RPH kaya suspendido parin ang health services ng ospital kagaya ng Out-patient department.
Nagsimula na ring magbakuna ng Astrazeneca ang iba pang pribadong ospital sa bayan ng Odiongan kagaya sa ISIAH Hospital and Medical Center.
Samantala, ngayong Martes naman magsisimula ang pagbabakuna ng Astrazeneca sa Tablas Island District Hospital sa San Agustin at sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc.
Maalalang aabot sa 280 vials o katumbas ng 2,800 dozes ng Covid-19 vaccines gawa ng Astrazeneca ang datumating sa lalawigan ng Romblon noong Linggo, para gamitin sa vaccination program ng pamahalaan.