Aabot sa 1,261,747,473 pesos na pondo ang meron ang probinsya ng para ngayong taong 2021.
Ito ang ibinahagi ni Vice Governor Felix Ylagan sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon nitong Miyerkules kung saan siya ang panauhin.
Ayon sa bise gobernador, ang mahigit P1.2B na pondo ay inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon noong nakaraang taon.
Sa halagang ito, P803M rito ay mapupunta sa basic services operation ng probinsya o ang pondong ginagamit sa pagpapatakbo ng probinsya.
Aabot naman sa P314M ang mapupunta sa Annual Development Fund o para sa mga infrastructure project ng Provincial Government sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
P60M naman sa kabuoang pondo ay mapupunta sa Gender and Development Fund habang P52M naman ang mapupunta sa Disaster Risk Reduction and Management.
Mabibigyan rin ng tig P10M na pondo ang mga programa para sa Persons with Disabilities, Youth Development, at paglaban sa HIV o human immunodeficiency virus.
Ang nasabing pondo at pagkakahati-hati rito ay binuo ng Executive Branch sa pangunguna ni Governor Jose Riano at ipinasa lamang sa Sangguniang Panlalawigan upang sa pagsusuri at sa pagapruba.
Samantala, sa naaprubahang pondo ng probinsya para sa kasalukuyang taon, sinabi ng bise gobernador na wala umano silang nakitang ‘specific’ provision kung saan binibigyan ng pondo ang pagbili ng mga gamot laban sa Covid-19.
Paliwanag nito, maaring generic ang term na ginamit para mapundohan ito o kung wala man, handa naman umano ang Sangguniang Panlalawigan na mag apruba ng pondo kaugnay rito.
Kaugnay umano nito, nagpasa ng resolution si SP member Jose Madrid kung saan hinihiling niya sa Provincial Finance Commitee na pag-aralan kung saan maaring makakuha sa kasalukuyang budget na ilalaan sa pagbili ng mga bakuna.