ODIONGAN, Romblon — Inaprubahan na ng Commission on Higher Education (CHEd) ang aabot sa P39 million funding support para sa tatlong major project ng Romblon State University, ito ang ibinahagi ni RSU President Dr. Merian Catajay-Mani.
Aniya, ang P12 million rito ay ibinigay sa pamamagitan ng CHEd Institutional Development and Innovation Grants para sa pagtatayo ng RSU Research Center o tatawagin nilang Center for Innovative Learning and Enterprise Development o CiLearnED@RSU.
Ang P25-million naman ay para naman sa pag-convert sa RSU bilang Smart Campus kung saan tinawag nilang Smart Isla, ang proyekto ay magbibigay ng isang mabisang pagtuturo sa pamamagitan ng flexible learning at e-learning, mabilis na pag-access sa internet, at paggamit ng learning management system, learning information system, atcampus area network services.
Ayon kay Dr. Mani, ang pagpapaganda sa connection sa loob ng campus ay magbibigay ng tulay para matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga mag-aaral sa pamantasan.
Ang natitirang P2-million naman ay gagamitin ng RSU para sa comprehensive land use development project na tinawag nilang project RISE.
Ang pondong bigay ng Ched ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatibo ng Board of Regents Chairlady Dr. Lilian De Las Llagas.
Nagpasalamat naman si Dr. Mani sa CHEd sa ibinigay nitong pondo sa Romblon State University.
Maalalang pumasok sa memorandums of agreement (MOAs) sina RSU President Dr. Merian Catajay-Mani at CHEd Chairman Dr. J. Prospero De Vera III noong Disyembre ng nakaraang taon.
“We are deeply beholden to CHED for entrusting us these grants and we commit to translate these into powerful impacts and ripples in support to the Commission’s objective of producing globally competitive and service-oriented Filipino graduates steeped in honor and excellence,” pasasalamat nito.