Matagumpay ang naging pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na pinangunahan ng Municipal Council for Women ng bayan ng Odiongan nitong ika-25 at 26 ng buwan ng Marso na ginanap sa Odiongan Public Plaza.
Ang dalawang araw na programa ay dinalahun ng mga kababaihan mula sa 25 barangay ng Odiongan kasama ang mga opisyal ng kanya-kanyang local council for women.
May tema ang pagdiriwang ngayong taon ng Women’s Month na “Juana Laban sa Pandemya: Kaya!”
Kasabay ng pagdiriwang ay nanumpa rin ang mga bagong opisyal ng mga barangay council for women.
Nagkaroon rin rito ng seminar patungkol sa meat processing at sa paggawa ng mga tinapay at iba pang pastries na pinangunahan naman ng Romblon State University – Gender and Development Office at CBA Hospiitality Management Dept.
Sa mensahe ni Sangguniang Bayan ng Odiongan – Committee on Women, Children, and Family chair, SB Gecelle Fainsan, sinabi nito na napakalaki ang gianganampanang tungkulin ng mga kababaihan sa mundo kaya dapat umanong mas ma-empower ang mga kababaihan sa panahon ngayon.
Sinabi rin nito na malaking tulong ang pagbuo ng mga barangay council for women dahil makakasiguro na umano na may tututok sa karapatan ng mga kababaihan sa mga barangay.
Dumalo rin si Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic sa pagdiriwang at siya ring nanguna sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng mga barangay council for women.
Nangako ito sa mga kababaihan na handang umanong tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga kababaihan na may mga proyekto para sa kanilang komunidad o sa kanilang organisasyon.
Handa rin umanong tumulong ang pamahalaan para sa serbisyong medikal ng mga kababaihan katulad ng gastusin sa ultra-sound, pap smear at iba pang kahalintulad na test na kailangan ng mga babae.