Simula ngayong March 15, Lunes, ay mahigpit ng ipatutupad ang ‘No Face Mask & No Face Shield, No Entry’ sa iba’t ibang establisyemento sa bayan ng Odiongan kabilang na ang mga establisyemento na hawak ng lokal na pamahalaan.
Ito ay alinsunod sa Resolution 101 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na nag-uutos sa mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standard sa lahat ng oras.
“Simula sa Lunes, Marso 15, 2021, ay oobserbahan na ang pagsuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras kapag nasa labas ng tahanan,” ayon sa facebook ng Odiongan Public Information Office.
Kasamang magpapatupad ng bagong patakaran nito ang Odiongan Public Market at Municipal Hall ng bayan.
Hangarin umano nito na mas higit na mapaigting ang pag-iingat ng bayan at upang patuloy na maging ligtas ang mga residente nito sa banta ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).