Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Looc na dapat may coordination at kompleto ang requirements ng mga uuwi sa Romblon.
Ito ay para maiwasan ang nangyari kaninang umaga kung saan isang pasyente na dumating ng Odiongan Pier nang walang dalang notice of coordination.
Napag-alaman rin na ang resulta ng kanyang RT PCR test ay positibo sa Covid-19 test.
Ayon sa Looc Public Information Office, nagsimula na ang contact tracing ng mga nakasabay sa barko ng pasyente at lahat ng kasama nito ay inabisuhan na mag home quarantine.
“Pinapaalalahan ang lahat na mag observe ng health protocols at manatili sa loob ng bahay kung wala naman pong importanteng gagawin,” ayon sa Looc PIO.
“Sa mga kasimanwa na uuwi, Inuulit po natin na kailangan ninyong mag coordinate at kumpletuhin ang requirements, sumunod po tayo para maiwasan ang ganitong pangyayari,” paalala pa ng LGU Looc.