Isang returning resident mula sa Cavite na dumating sa pantalan ng Odiongan noong ika-3 ng Marso ay nagpositibo sa RT-PCR Test na isinagawa nitong Marso 5.
Ayon sa inanunsyo kahapon ng Odiongan Public Information Office, ang nasabing residente ay dumeritso agad sa hotel para sa quarantine pagbaba at agad na inilipat sa isolation area kung saan ang kanyang kalagayan ay babantayan ng Rural Health Unit.
Wala naman umanong ipinapakitang sintomas ng Covid-19 ang nasabing residente.
Samantala, naglabas ng advisory ang munisipyo ng Odiongan na ang lahat ng pasahero at empleyado ng Montenegro Lines na nakasabay sa biyahe ng pasyente noong March 3 mula ay inaabisuhang sumailalim sa self-monitoring sa loob ng labin-apat (14) na araw.
Para umano ito masigurong walang nahawaan sa mga pasahero.
Agad umanong makipagugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team kung may maramdamang sintomas ng Covid-19.