Marami ang nagtatanong kung paano nga ba makakauwi ng Romblon ngayong nagbaba na ng bagong guidelines ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kaugnay sa mas kakaunting requirements para makapunta sa isang lugar.
Sa Executive Order No. 008 s. 2021 na inilabas ni Governor Jose Riano, nakasaad ang mga requirements na dapat dalhin ng mga Non-APOR, APOR, OFWs, at mga driver at pahinante ng truck at delivery services.
Alamin natin ang guidelines na nilabas ng Provincial Gov’t kaugnay sa mga gustong pumasok sa probinsya.
Non-APOR o Returning Residents
- Hindi na kailangang magpakita o kumuha ng travel authority at medical certificate ang pasahero maliban nalang kung siya ay may sakit, buntis, o di kaya ay may immunodeficiency, kagagaling lang sa ospital o sa operasyon.
- Makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para makakuha ng notice of coordination.
- Pumunta sa isang DOH-accredited facility o di kaya sa Red Cross para sa inyong swab o saliva testing.
- Utusan ang facility na kung maari ay ipadala sa email ng Provincial Incident Management Team ang resulta ng test para maiwasan ang pamemeke nito.
- Ang email ng Romblon IMT ay iaanunsyo ng Provincial Gov’t sa mga susunod na araw.
- Batay sa protocol, ang reverse transcription polymerase chain reaction (rRT -PCR) test ay dapat na kinuha sa loob ng nakaraang 72 oras mula sa pagdating sa lalawigan at kung maaari ay bumiyahe na sa loob ng 24 oras pagkakuha ng resulta.
- Ang resibo ng test ay hahanapin rin sa inyo pagdating niyo ng Romblon kaya dapat itong itago.
APORs na mangagaling sa labas ng probinsya
- Dalhin ang inyong Government Identification Card o ang Certification mula sa Nationalg Government Agency.
- Dalhin rin ang travel order o iba pang dokumenta na magpapatunay na may work-related ang gagawin niyo sa Romblon. Dapat nakasulat sa order kung ilang araw kang mananatili sa probinsya, mga lugar na iyong tutuluyan, at kompletong itinerary of travel.
- Kailangan mo rin ng negatibong resulta ng swab o silava test na kinuha sa loob ng nakaraang 72 oras mula sa pagdating sa lalawigan at kung maaari ay bumiyahe na sa loob ng 24 oras pagkakuha ng resulta.
Overseas Filipino Workers at Returning Overseas Filipino
- Dalhin ang certifications na binigay ng Bureau of Quarantine kasama ang negative Covid-19 rt-pcr test result.
- Kailangan ring kumuha ng Notice of coordination sa uuwiang munisipyo sa Romblon.
Trucker at iba pang deliver services
- Magdala ng travel order at itinerary ng delivery.
- Magdala rin ng Identification Card mula sa employer o di kaya ay Certificate of Employment.
- Kailangan rin na may Covid-19 RDT (rapid antibody test) na ginagawa tuwing 21 araw.
- Kailangan rin ng notice of coordination sa pupuntahang munisipyo.
Batay sa bagong guidelines, lahat ng makikitaan ng sintomas ng Covid-19 habang nasa biyahe o sa control points ay ipapasok sa mandatory quarantine.
Tandaan, habang nasa biyahe ay kailangan paring nasusunod ang minimum health standard kagaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng physical distancing at iba pa.